Wednesday, May 16, 2012 |

NEGOSYO TIPS KAY TACHIE

      Ayan at dahil nga namomorblema si Tachie dahil wala na nya syang work, eto ang ilan sa aking mga Tips upang bigyan sya ng ideya kung ano ang patok at hindi pagdating sa negosyo. Ano ang IN ano ang OUT?.

1. COMPUTER SHOP - Maling mali ang ideyang magtayo nito, dahil sa panahon ngayon nagkalat na ang mga comp shop. P15/hour ay di sapat dahil mahal na ang kuryente.

2. IPAD RENT - Pero kung gusto tlaga ng Comp Shop eto ang hit Bumili ng Ipad na pwedeng rentahan. P50/hour. Oh ha sunod sa USO kaya HIT to!

3. POOL SA LOOBAN - Eto ang isa sa IN na negosyo ngayon ang magtayo ng Pool sa Looban.


Pwedeng Private pwedeng Public P5k pag Public P4k pag poso ang tubig, P50/head pag Public. Sure Hit to kasi mahirap ang tubig sa Landayan.

4. SM LANDAYAN - Eto talaga ang isa sa mga bright idea ko magtayo ng SM LANDAYAN.


At ang Place ay yung hindi pa tapos na bahay sa tabi ng Compound, Oh diba. Papakiusapan ang nagpapagawa ng bahay na ilang taon ng ginagawa ay hindi pa tapos, pakiusapang gawi na lang SM ito nang sa gayon ay matapos na. Sa SM Landayan pwede utang si Nita mamamahala dito parang 5-6 ganon. SM Landayan ay for sure HIT na HIT!.

5. TRICYCLE KAY JONEL - This is a BIG NONO, Lahat ng Negosyong ibigay kay Jonel ay walang mangyayari. XD

6. TUNNEL - Eto pa ang magandang Negosyo gumawa ng TUNNEL mula landayan hanggang Pacita.


Oh ha Maganda yan, Dahil sarado na ang daan sa Barley, Bright idea ang gumawa ng Tunnel P5/Head, P10 w/ flashlight pag may kasamang rent na Flashlight kasi madilim sa Tunnel, la pa kasing Budget sa ilaw. XD

7. VIDEOKE RENT +  - At dahil mahilig kumanta ang mga Pinoy, magdandang negosyo ang rentahan ng Videoke but wait, mas maganda kung may twist ang Videokehan, ang twist ay di papakita sa Screen ang title, huhulaan ito ng isang nakikinig at kapg di nahulaan ang Title bago matapos ang Kanta ay makukuryente sya. Oh diba? nag bi-Videoke ka na nag Pipinoy henyo ka pa! XD


Oh ayan, Siguro naman alam na ni TACHIE kung ano ang IN at kung ano ang OUT pag dating sa NEGOSYO!!!





Friday, April 20, 2012 |

Cha-Cha: Ang Unang Mamaw


Ako... Ako si Cha-cha... Nakatira kami ng kapatid kong si Charmaine sa Liblib na Lugar sa Capiz...Ulila na kami sa magulang, dose anyos pa lang ako noon nang iwan kami ni inay at itay, ako na ang nag-alaga sa kapatid kong si Charmaine... Sasabihin kong mahirap para sakin dahil kaming dalawa na lang ang natitira sa lahi namin, napasakit din sa akin ang kaisa-isa kong kapatid ay may sakit pa sa puso at pag-iisip lagi nyang sinasabing kambing sya! kambing sya! kambing sya! Gabi-gabi kong iniiyakan ang mga bagay na ito... paano kaya magiging maginhawa ang buhay naming magkapatid?

May iniwan saming Mana ang aming Magulang, iniwan nya sa amin ang isang bukirin, ako ang nabubuwal ng lupa, nagtatanim ng palay at nag-aani, masaya naman ang mag-farm 12 hours lang may ani na ko para sa farmville ba, pero syempre CHOZ lan yun!. Buwan-buwan may kita akong 150,000 pero 99 percent nito ay napupunta sa gamot ng kambing kong kapatid, buong buhay namin ay kanin kanin puro kanin ang kinakain namin, wala eh sanayan lang talaga, ganito yata talaga ang life namin masyadong madamot ang biyaya, nung nagsabog siguro ang diyos ng swerte tulog sina inay at itay kaya eto, di ko naman sila masisisi, pero life must go on, Basta ang goal ko sa buhay ay kahit papano ay umagat ang buhay namin, makapunta ba syudad at dun na manirahan.

"Ahaha! Kambing Kambing! Kambing!"

Yan sila Elaine at Joan lagi nilang tinutukso ang kapatid kong si Charmaine, Lagi ko silang inaawat na tigilan na nila ang kapatid ko napakasakit para sakin yun It hurts you know!, minsan... minsan napapagod na rin ako, pero ate nya ko eh tungkulin ko pangalagaan ang kapatid ko, kaya kahit nakakapagod mag-alaga ng isang taong may sakit sa puso at isip ay kinakaya ko para sa kanya, sana nga makapag-ipon na ko para mapasuri ko sya.

Isang araw, tila may bagyo pa! Paano na ang aanihin ko ngayon? Paano na ang gamot ni Charmaine, namomroblema na ko...

Nagka-totoo nga ang kutob ko, diyos ko... Saan ako kukuha ng pera ngayon ang Theraphy ng kapatid ko.

Bumuhos ang ulan kahit isang-libo lang ang dala kong pera ay nagtungo na kami sa Hospital, nakiusap ako, nakiusap akong babayaran ko rin sila kapag naibenta ko na ang lupain namin, ang iniwan saming bukirin, Pero... pero hindi sila pumayag... Umuwi ako... naglalakad sa gitna ng matinding buhos ng ulan... Lumuluha...

Tok! Tok! Tok!

Elaine! Joan! Nakiki-usap ako sa inyo...
Baka pwedeng makahiram... ng... konting pera....
para lang sa kapatid ko... maawa na kayo...

Huh?! Wala kaming Pera! Shooo! Istorbo! Alis!

*BLAG* sabay sarado ng pinto...

Pumunta ako sa Bukirin namin, gulong-gulo na ang isip ko...

"Waaaaaahhh! Bakit ngayon pa!!! Diyos ko!!! Bakit wala kaming naani? why oh why?" Nagdilim ang paningin ko pinagsusuntok ko ang bawat punong madaanan ko, pinagsisipa ang mga manok, Lumuhod ako sa harap ng bukirin...

"Isinusumpa ko! Isinusumpa ko di na ko kakain pa ng Kanin! KANIIIINNN!!! WAAAAAHHH!!!!"

Tumakbo ako, tumakbo ng tumakbo, hindi alam ang patutunguhan, tinungo ko ang Bundok...
Anlakas pa rin ng ulan, mukhang bukas pa ata titigil.. andulas ng dinadaan ko...

"WAAAAAAHHHHHHH!!!!"

Nahulog si Cha-cha sa Bundok at nabagol ang ulo sa isang malaking bato, sabay ng pag-agog ng tubig ay ang pag-agos ng dugo sa kanyang ulunan...

Habang nakatingin sa langit...

".......ma...mamamatay na ... ba ako.....pa... paano na ang kapatid ko?... sino ang mag-aalaga sa kanya?!...."
napapikit si Cha-cha at ang tibok ng kanyang puso ay unti-unting tumigil...

Kinabukasan... namataan ang Bangkay ni Cha-cha, agad naman syang nailibing sa likod bahay ng kanilang Bukirin...

Isang Gabi... tahimik ang paligid... umaalulong ang mga aso... nag-titilaokan ang mga manok...
Tila gumagalaw ang lupang pinag-libingan ni Cha-Cha... Ilang sandali pa'y, lumitaw ang isang kamay, kamay ng isang babae...

"Kapatid ko... di kita iiwan...."

Dyan nagtatapos ang kwento ni Cha-cha ang unang Mamaw, may nakapag-sasabing nakikita pa nga nila ulit si Cha-cha na kasa-kasama ang kapatid na kambing, pero hanggang ngayon palaisipan pa rin kung paano muling nabuhay ang isang bangkay.


Thursday, April 19, 2012 |

Philippines Disneyland soon in Clark Pampanga?


CLARK FREEPORT, Pampanga - First District Rep. Carmelo Tarzan Lazatin has written Robert Iger, chairman and CEO of The Walt Disney Company based in Burbank, California, USA, to ask him to consider Clark for their next Walt Disney park, saying that Clark s 4,400 hectare main zone and 27,600-hectare subzone will be the best place for a new Disneyland. Aside from the huge space it provides, the Clark Freeport Zone can be an attractive destination for Disneyland theme park because of the tax-free privileges given to locators, said Lazatin in his letter dated April 11. Lazatin also cited Clark International Airport, world-class airport which is expected to serve at least P1.6-million passengers this year. The airport will be making it easier for
tourists to enjoy the amenities and entertainment Disneyland is famous for without the hassles of long travels, he said. Lazatin also told Iger that hotel accommodations will not be a problem
as Clark has the best hotels in its roster where visitors can enjoy the hospitality Filipinos are known for. The lawmaker said the Philippines is a favorite tourist destination in Southeast Asia, with an average arrival of four million foreign visitors a year and for 2012, the government is eyeing to hit the 5-million mark. Together with our population of more than 90 million Filipinos, a Disneyland theme park in the Philippines could be a major income generating site for your company, he said. Disneyland theme parks are the highest-earning theme parks in the world. In 2009, the company s theme parks hosted approximately 119.1 million guests, making Disney Parks the world s most visited theme park company, ahead of the second most visited, British rival Merlin Entertainments. In Asia, Disneyland theme parks are located in Hong Kong, Tokyo (Japan), and Shanghai (China). (Source: ph.news.yahoo.com *
Thursday, March 29, 2012 |

SIMSIMI


Simsimi ("shim-shimee") na ang ibig sabihin ay "bored" sa korea, si Simsimi ay isang Chatbot na ginawa noong 2002 pero ngayong taon lamang sumisikat sa Pinas. Si Simsimi ay isang makulit na robot na mahilig mang-asar at pawang walang katuturan ang mga pinagsasasabi. Ayon sa gumawa mabait naman daw si Simsimi pero dahil sa mga taong walang magawa na nagtuturo sa kanya ng mga Bad Words kaya sya ngayon ay naging pasaway na ng lubos. tnt wehehe... Nauuso ngayon si Simsimi sa mga taong walang magawa at walang pumapansin sa totoong buhay, kaya ayun si Simsimi ay isang patok na AI ngayon sa buong Pinas. :)
Sunday, March 4, 2012 |

UNGAS n' EPAL PRESENTS NAG PICK-UP-AN!

Isang Maaliwas na Umaga para kay Ungas Jello, naglalakad sya sa Plaza ng Landayan para mamili ng Short na Tatlo-Sampu!...

JELLO: nananana *may nabangga*

INTSIK: WTF!

JELLO: -_- Ang arte mooo!!!

INTSIK: Wala kang pake!!! Ano ginagawa mo dito bumibili ka na naman ng Tatlo-sampung short!

JELLO: Ano ngaun?!

INTSIK: Wala kang Breading noh?

JELLO: Bobo! Inutil! Naive! Breeding yun! T@nga!

INTSIK: Eh bakit.... soundlike?

natigil ang awayan nila ng biglang may dumating na isang lalake....

AMIEL: ayt! ayt! Katahimikan! Katahimikan! Andito na naman tayo!!! sa bakbakan! at umaatikabong pik-a-pan!

JELLO & INSTIK: ....

AMIEL: Andito ngayon ang maglalaban, sa bandang Kanan si Boy UNGAS!!!

JELLO: ...

AMIEL: sa kaliwa ko naman si Boy EPAL!!!

XTRA1: EPAL! EPAL! EPAL!

XTRA2: U-NGAS! U-NGAS!

AMIEL: AYt! Ayt! Katahimikan! Bago magsimula ang Pick-up-an! Andito muna si Neneng... B!!!
(Buraot)

IGNA: *yeah* *yeah*

AMIEL: AYt! AYt! ROUND 1 Umpisahan na natin! Ang unang mag-pipick-up ay si Boy UNGAS! READY!! Go!

JELLO: *lumapit kay Neneng B!* ehem! ehem! Di na ko mahuhulog sayo!!!

IGNA: Ket?

JELLO: Kasi... pag kasama kita feeling ko lumulutang ako!!!

nag-hiyawan ang mga audience sa plaza!!!

AMIEL: Cloud 9? Oh ha oh ha! Tingnan natin kung ano ang ilalaban ni Boy EPAL!!! Ready! Go!

INTSIK: *lumapit kay Neneng B!* Facebook ka ba?

IGNA: Ket?

INTSIK: Kasi... Like kita! Pero ayaw kitang i-share sa iba!!! :)

nag-hiyawan ang mga xtra!

AMIEL: Ayt! Ayt! FB ang labanan! hehehe! Tingnan naman natin kung sino ang mangingibabaw sa ROUND 2! Okey! Boy UNGAS! READY!!! Go!!

JELLO: Tatakbo ka ba sa Eleksyon?

IGNA: Ket?

JELLO: Kasi... Boto sayo magulang ko!

nag-hiwayan ang mga tao!

AMIEL: mukang nangangampanya! tatlong tawa para sayo! Okey tingnan natin kung ano ang isasagot ni Boy UNGAS! Ready... GO!!!

INTSIK: Neneng B! Deadline ka ba?

IGNA: Ket?

INTSIK: Kasi! Lagi akong naghahabol sayo!!! hohoho!

nag-palakpakan ang mga tao!

AMIEL: Ayt! Ayt! Ayt! Katahimikan! Oras na para malaman kung sino ang Panalo sa dalawang... Pick-up-ers! sino kay Boy UNGAS!!

*YEAH!!! YEAH!!!*

AMIEL: Kay Boy EPAL?!!!

*YEAH!!!! YEAH!!!! YEAHH!!!

AMIEL: Ayt! Ayt! Mukang alam na antin kung sino ang Nanalo... Walang iba kundi si Boy EPAL!!!

JELLO: WAT DA?

INTSIK: *EPAL face* hiihiihii

AMIEL: Ayt! Ayt! Boy EPAL handa ka na ba sa susunod mong laban?

INTSIK: Swempe!

AMIEL: Ayt! Ayt! Andito na ang pinaka sa pinaka sa lahat ng pinaka !!! ang unbeatable sa lahat ng pick-up-an! Andito na si Boy ANGAS!!!

ANGAS! ANGAS! ANGAS! ANGAS!

AMIEL: Ayt! Ayt! Boy ANGAS dahil ikaw ang Champion ikaw ang mamili kung sino ang mauuna!

ARVIN: *pinakyu sa Intsik*

AMIEL: Ayan na po ipinak-yu si Boy EPAL! haha! Ok Boy EPAL! Ready GO!

INTSIK: Peanut ka ba?

IGNA: Ket?

INTSIK: Peanut-tibok mo kasi ang puso ko e!

hiyawan ang mga audience!

AMIEL: Ayt! Ayt! Masarap yan sa tinapay! K! K! K! Tingnan naman natin ang isasagot dyan ni Boy ANGAS! Ready...... GO!!!

ARVIN: *pose* ahmmmm.... Mahilig ka bang manghuli... ng... tutubi...??

IGNA: Ket?

ARVIN: Kasi....... unlimited rice sa... Mang Inasal...

huh?!!! ano daw???!
JAYCEE (Boy Back-up) : Nakakabusog yan! ANGAS!

ARVIN: :D BOOOMMM!!

halaghakan ang mga xtra!

AMIEL : Ayt! Ayt! Katahimikan! Katahimikan! Mukang nakakbusog ang pick-up na yan! ROUND 2 na tayo, Boy EPAL!!! ready.... GO!!!

INTSIK: Password ka ba?

IGNA: Ket?

INTSIK: Kasi Di kita pwedeng kalimutan!

yeah!! Hiyawan ang mga otaw!

AMIEL: Ayt! Password pala ha! Andito naman ang panlaban ni Boy ANGAS dyan! Ready!!! GO!!!!

ARVIN: *angas face* aahmmm... ipa-follow kita... sa Twitter!!!

IGNA: Ket?

ARVIN: ........Kasi............... Di ko hiningi ang sukli... kay Mang dindi!

Huh? sino si mang dindi?

ARVIN: kapatid ni ... Gandi!

JAYCEE (Boy Back-up): Ambait mo naman! ANGAS!!!

palakpakan ang mga audience!!!

ARVIN: YEaH! |,,|_ BOOOM!

AMIEL: Ayt! Ayt! dito na malalaman kung sino ang mananalo, Hahaha sino kay Boy EPAL!!!

Pak! pak! pak!

AMIEL: Ahaha mukang alam na! Boy ANGAS?!

Yeah! Boom! BAngis mo ANGAS! ur da man!!! *clap* *clap *clap*

AMIEL: and still... The unbeatable... Boy ANGAS!!!

wit weeew!!!

INTSIK & JELLO: -_-


TESS PROUD MAMA!

Last night ay nanood kami sa Plaza ng San Pedro sa isang importanteng laban ni Intsik ng basketball, kailangan manalo ng Landayan laban sa Cuyab nang sa gayon ay sila ang makapasok sa Finals. Pero, sa umpisa pa lang ng laro ay tila nagpapahiwatig na sila ay matatalo dahil sa hirap na hirap silang makapuntos samantalang sa kalaban ay piece of cake lang. Nag time-out ang Team Landayan at ipinasok na ang mga Alas *agad-agad*. Dito na nag-umpisang mag-cheer si Tess ang Proud Mama ni Intsik, pero waley pa rin silang laban *nga-nga*. Kahit na mas malaki na ang puntos ng lamang kesa sa iskor ng Landayan ay Tuloy pa rin ang pag-Cheer ni Proud Mama, nangingibaw ang boses sa apat na sulok ng Court, *kaya pa yan!!!* *Wala! wala! wala!* *shoot! shoot!* *tayo! tayo!* Kulang na lang ay si Tess na ang maglaro, sya na ang Referee at sya na ang Coach!. Last two Minutes ay mahigit bente pa ang lamang ng kalaban pero nag-init si Intsik at dito na sya nagsimulang magsunod-sunod na tres puntos, halagpakan ang hiyaw at palakpak ng barangay Landayan, pero sa kabuuan natalo ang Landayan sa iskor na 88-78. Natalo man ay mananatiling Proud Mama si Tess.
Saturday, February 25, 2012 |

2 7 5



click the picture to enlarge

Samu't Saring Kwento sa Vierneza Compound!